Saturday, April 15, 2006

Holy week to 7th Heaven

this entry is dedicated to my most avid reader... the most excellent divah, owbreeeh! (i'm not wortheee! *bow*)
_ _ _ _ _ _

holy week again. absolutely NOTHING to do. the malls are closed. restos are closed. ang bukas lang within the radius of my house ay ung Mighty Mart, Pan de Manila, at yung Sta Teresita Hosp. grabe talaga, ito lang ang bukas na 'hotspots' dito samin. so tumambay muna ako sa pan de manila. bumili ng tinapay. haay.

i havent watched TV in more than a month... nothing good is ever on anyways. kaya sa pag-kakataong ito, nakipag-sapalaran muli ako sa mundo ng local entertainment. (in other words, di ko maagaw ang remote sa nanay ko na nanonood ng channel 7 at Qtv. shet.)

nakatulog rin ang nanay ko tapos nyang pababain ang IQ ko sa panonood ng 'Show Ko' ni Ethel Booba and her wonder badings. sa wakas, na-agaw ko rin ang remote. at nagsimula akong mag-channel surf.

tapos kong panoorin ang mga replay ng crime/suspense... wala nanamang mapanood. dumaan ako muna sa Nick at Cartoon Network bago ko na-realize...

oh Lord, matanda na ko. nawala na ang appeal ng cartoons.

bigla kong nakita ang yearly 7th Heaven marathon ng Studio 23. nanood nanaman ako. di ko mapigilan, i dont know why... it draws me like a moth to a flame... and so, I learned, since last akong nkapanood ng 7th Heaven:

si Matt di pa rin doktor, pero may asawa na (at may tiyan na rin, wla nang appeal...)
si Mary nanganak na (pero di siya pinakita ever sa mga episodes)
si Lucy ay may asawang pulis at buntis na
si Simon matanda na (wla na ring appeal kasi nakakalbo na... =/ )
si Ruthie lintek may jowa na
si Ashley Simpson nandun pla... at blonde ang buhok
may 'boarders' sila sa bahay... parang lahat dun ang tambay
ung pastor nila dun nang-agaw ng gf ng iba (kala ko good values ang 7th heaven?)

ang 7th heaven pla walang kwento at walang kwenta...

mano-nood nlng ako ng Cleaningpad Rectanglepants sa Nick... mas may sense.
_ _ _ _ _ _

lintek, bukas ang starbucks at icebergs sa banawe!!!! waaaaaahhh!!!! THANK YOU LORD!!!!

---kzs---

No comments:

Post a Comment